News

TEACHER, NAGLABAS NG SAMA NG LOOB SA TWITTER

Isang teacher ng 3rd ng chugakkou sa Yokohama, ay naglabas ng sama ng loob tungkol sa kanyang klase sa Twitter.

Siya ang responsible sa isang klase, at sinulat niya ang kanyang reklamo na hindi niya gusto ang na assign na klase sa kanya. Isinulat ito ng teacher sa isang comment na anonymus, na hindi niya binanggit ang mga impormasyon ng paaralan at mga estudyante. Subalit ang image ng comment ay kumalat sa ibang mga estudyante kaya’t nadiskubre ito ng eskwelahan.

Humingi naman ng paumanhin ang school sa mga estudyante at opisyal. Pinalitan din nila ang teacher na in charge sa klase.

Source: ANN News

To Top