Crime

TOKYO: FOUND CHOP CHOP BODY, KILLER ARRESTED

TOKYO – Naaresto ang isang lalakeng may kaugnayan sa natagpuang putol-putol na katawan sa isang parke nitong buwan.

Sumasailalim ngayon sa isang interogasyon si Yasunobu Ikeda, 28 taong gulang. Si Ikeda, ay iniuugnay sa pagkamatay ni Tokiko Abe, 88 taong gulang. Ayon sa balitang ito, ang mga putol-putol na katawan na natagpuan sa Himonya park ay pag-aari ni Abe.

Si Ikeda ang itinuturong nagtapon ng katawan ni Abe na 500 metro lamang ang layo sa bahay ng matanda. Sa security camera na nakuha ng mga pulis, makikita ang isang lalake na kamukha ni Ikeda. Ang nasabing lalake ay labas pasok sa apartment ng biktima. Paniwala ng mga pulis, isang kutsilyo ang ginamit sa pagputol ng parte ng katawan ng biktima. At sa pamamagitan ng DNA test ay nakilala ang biktima.

Matatandaan na may natagpuang ulo, braso, hita at katawan ng tao sa pond ng Himonya Park sa Meguro Ward sa Tokyo nitong nakaraang ika-23 ng Hunyo.

SOURCE: ANN NEWS, YOUTUBE.

#Japinoy #Japinonet

To Top