News

Violence: Daughter aggressor

Isang 31 anyos na anak na babae ang nanakit umano ng kanyang mga magulang partikular na ang ama na nasa hospital ngayon at halos mawalan na ng ulirat. Kinilala ang suspek na si Takizaki Tamae, kahapon sa kanilang tahanan bandang 5:40 ng umaga. Inaresto si Takizaki makaraang tumawag ang ina sa pulis dahil sa pananakit. Nagkasagutan at nagkairingan na nauwi sa pisikal na sakitan at sinuntok umano nya ang kanyang ina na 63 anyos saka nya inatake ang kanyang ama na 66 anyos. Nadala naman sa hospital ang kanyang ama ngunit ito ay nasa malalang kondisyon at halos mawalan na ng malay.

Source: ANN News

To Top