1 Elementary school sa Saitama, 7 katao natanggalan ng ngipin matapos kumain ng saraudon
Sa isang elementary school sa Asaka City, Saitama Prefecture, napag-alamang 7 mga bata at guro ang kumain ng saraudon bilang pananghalian at natanggalan diumano ng ngipin. Ayon sa Asaka City Board of Education, noong ika-11 sa Municipal no. 5 Elementary school, 6 na bata edad 1 hanggang 5 at isang guro na kumain ng panaghalian nilang saraudon ang natanggalan ng ngipin. At ilan sa mga bata din ang nasugatan sa bunganga. Ang city board of education ng lugar ay iniuugnay ito sa dahilang napakatigas ng saraudon na inihanda sa paaralan ng araw na iyon bilang pananghalian. Ang school lunch ay inihahanda sa loob ng paaralan, at ng iprito ng staff ang udon ng 2-3 minuto, pakiwari nila ay hindi pa ito sapat na luto kaya muli nila itong ipinirito ng karagdagang 10 minuto pa kung kaya’t ito ay tumigas. Sa parehong paaralan din nagkaroon ng insidente may naideliver na expired ng mga doughnuts at inihain pa rin sa mga bata kahit lumipas na ng isang araw ang expiration nito.
https://youtu.be/tfJnVK-VOSw