General

1 hapon, namatay sa hospital sa Wuhan,China dahil sa “Severe Pneumonia”

Ang matinding pulmonya na kumakalat ngayon sa buong mundo ay nagmula raw umano sa Wuhan, China, na pinapaniwalaang dahilan sa pagkamatay ng isang Japanese na lalaki sa kanyang 60’s na na-ospital sa isang lokal na ospital. Ang mga kalalakihan ay mas mataas ang bilang na mahawahan ng bagong coronavirus, ayon sa datos.

Ayon sa isang opisyal ng gobyerno ng Hapon, ang lalaking Hapones, na nasa edad na 60, ay namatay sa ospital kung saan siya naconfine, madaling araw ng Miyerkules sa Wuhan City. Ayon sa gobyerno ng hapon,  ang ospital kung saan naconfine ang sinasabing lalaki ay naniniwalang “positibo  sa bagong coronavirus.” Ang lalaki ay may lagnat na sintomas sa kalagitnaan ng nakaraang buwan, na-ospital at nagpatuloy sa paggamot mula pa noon, at nasa malubhang kondisyon mula noong huli linggo ng buwan. Bilang karagdagan, tinukoy ng mga lokal na institusyong medikal na ang sanhi ng pagkamatay ng lalaki ay “viral pneumonia,” ngunit ito ay “mahirap matukoy” kung ito ay isang bagong uri ng coronavirus.

ctto: youtube

To Top