Crime

1 Hapon sa Nagoya, muntik ng mabudol-budol ng 1 lalaking taga-Cameroon

Ang isang lalaking taga-Cameroon ay naaresto matapos nitong subukan na linlangin ang isang lalaki sa Nagoya sa pamamagitan ng pagsisinungaling na babalik umano sa mga perang papel ang mga papel na tila pininturahan ng itim pagkatapos hugasan ng mga kemikal. Si Niva Manfred Choi, isang 33-taong-gulang na Cameroonian national, ay nagbigay ng isang bundle ng itim na papel sa isang 64-taong-gulang na lalaki sa Nagoya noong ika-30 ng nakaraang buwan, at sinabing, “Kung hugasan mo ito ng mga kemikal, maibabalik ito sa orihinal na perang papel. ” Pagkatapos nito, may hinala pa na sinubukan niyang linlangin ang presyo ng pagbili ng mga gamot sa halagang 80,000 dolyar at 8.4 milyong yen. Itinanggi ni Choi ang mga akusasyon. Ayon sa pulisya, ang lalaki ay ipinakilala kay Choi matapos sabihin sa kanya ng isang Amerikanang babaeng na nakilala niya sa SNS, “Gusto raw nitong magpakasal. Ngunit nais muna ng babae na makuha ng lalaki ang pamana raw ng mga magulang nito.” Si Choi ay pinaghihinalaang nakatanggap ng tungkol sa 7 milyong yen mula sa isang tao bilang komisyon, iniimbestigahan pa ng pulisya ang mga paratang ng pandaraya.

https://youtu.be/4M42v_7f_gQ

Source: ANN NEWS

To Top