General

1 metropolitan at 3 prefectures, “state of emergency declaration” extended pa ng 2 linggo

Bandang 6:30 ng gabi ngayong ika-3 ng buwang ito, inanunsyo ni Prime Minister Suga, na palalawigin nito ang deadline ng state of emergency na sana ay magtatapos na sa ika-7 sa 1 metropolitan area at 3 pang prefectures ng karagdagang 2 pang linggo. Ipinaliwanag nya ang dahilan sa likod ng desisyong ito, aniya, ” kinakailangang protektahan ang buhay at kabuhayan ng mga tao dahil kaunti na lamang ang espasyo sa mga ospital na nakalaan para sa covid”. Pagkatapos nito ay saka siya umano magdedesisyun matapos mapakinggan ang opinyon ng mga eksperto at mga related parties dito. Ang sagot sa katanungan sa Prime Minister na nagmula sa gobernador, ” Gusto kong marinig muna ang intensyon at dahilan simula ngayon bago tuluyang magdesisyon sa usaping ito.” Dagdag pa rito, hindi pa sigurado ang gobyerno kung itutuloy nga ba o hindi ang Olympics ng walang mga dayuhan na bisita na nauna na umanong maireport sa media.

 

Source: ANN NEWS

To Top