News

10 New Basics Laws under Duterte’s Administration

Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang manguna sa bilangan sa pagka-pangulo si Rodrigo Duterte, nagkaroon ng televised press conference ang presumptive president ng bansa noong hapon ng Lunes, May 16.

Dito ay inisa-isa niya ang mga nakikita niyang problema na gusto niyang bigyang-pansin sa mga unang araw ng kanyang panunungkulan simula sa June 30, 2016.

Sa kanyang presscon ay ipinakilala siya bilang “Mayor Rodrigo Duterte, the Mayor of the Philippines.”

Awkward pa raw para kay Duterte na tawagin siyang presidente.

Ayaw rin niya ng sobra-sobrang pagpupuri mula sa mga tao.

Sabi niya, “I would even discourage ‘yang mga kulto-kulto na Duterte.

‘It doesn’t fit into my paradigm also in life. Sanay ako sa trabaho ko.

‘I’ve been in government for the best years of my life.

‘About two years after my graduation, from the law school taking the bar, I’ve always been a servant of the people.

‘I’d like to downplay extra adulation, it does not…nakokornihan po ako, tumitindig ang balahibo ko.’

 

DRUGS AND CRIME. Noong panahon ng pangangampanya, ipinangako ni Duterte na isa sa mga una niyang tutugunan ang droga at kriminalidad sakaling siya ang palaring manalo.

Ngayong malinaw na ang kanyang mandato sa tao bilang ika-labing-anim na pangulo ng republika, inulit na naman ng outgoing Davao City mayor ang kanyang mga binitawang salita.

Saad niya, ‘I will control drugs. I will control crime.’

Prayoridad niya ang pagsalba sa mga susunod na henerasyon mula sa pamamayani ng droga at kriminalidad sa Pilipinas, at nais niyang magsimula ito sa barangay level.

Pabor rin daw siyang ibalik ang death penalty para sa mga karumal-dumal na krimen gaya ng panggagahasa at pagpatay.

10 BASIC LAWS na balak nyang ipatupad sakaling maupo na sya bilang presidente ng pilipinas. Paniniwala nya, ilang taon na nyang ipinapatupad ito sa Davao at naging maganda naman ang resulta kung kaya’t nais nyang maipatupad ito sa buong bansa.

Sa kanyang presscon, sampu ang kanyang binigyang-diin.

1. Bawal ang pag-inom ng alak at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Hanggang 1 a.m. lang puwedeng mag-serve ng alak ang mga establisiyemento.

Sabi pa niya, kung wala kang bahay, huwag ka na lamang uminom.

2. Mahigpit niyang ipagbabawal ang ‘drunk driving.’

Bukod sa mas magiging mabigat ang parusa, isi-set niya ang ’60kph speed limit’ sa EDSA para maiwasan ang aksidente.

Aniya pa, paglalakarin niya ang mga drunk drivers sa kalye nang nakahubad.

”Pag nahuli ko kayo, huhubaran ko kaya diyan sa highway, tawagin ko iyong mga media.’

3. Hindi na magri-release ng lisensiya para sa mga heavy firearms.

Ito ay para maiwasan ang pagbuo ng mga private armies.

4. Magkakaroon ng nationwide curfew ang mga menor-de-edad.

Sa Davao, hanggang 10 p.m. lang ang paggala ng mga unescorted minors.

Mananagot ang mga magulang ng mga kabataang mahuhuli.

5. Bawal ang red tape sa mga opisina ng gobyerno.

Mariin niyang binalaan ang mga nasa posisyon na huwag na huwag gawin ito pati na rin ang mang-insulto ng kapwa.

6. Pinangunahan na rin niya ang mga opisyal ng gobyerno, militar, at pulis na lalapit sa kanya para humingi ng pabor.

“Do not come to me for promotions,” saad ni Duterte.

Sinabihan rin niya ang mga corrupt na police officers na mag-resign o mag-retire na bago siya umupo sa puwesto.

7. Bawal na rin ang pila sa opisina ng gobyerno.

Ani Duterte, ‘Ang problema sa gobyernong ito is corruption.

‘Pagdating ng applicant for clearance or whatever documents that need government intervention, people are made to wait until they die.

‘This has to change. I don’t want to see people queuing.

‘My proposal is—in all government institutions—I will see that the clearances and business permits are given 72 hours.

‘After 72 hours, you are no longer allowed to release the documents or papers. You have to forward it to me, and I will ask you why it took you more than three days to process the papers.’

8. Bawal ang pangungulekta sa mga paaralan dahil isa raw itong paraan ng pangungurakot.

Gawain kasi ng ilang mga guro sa mga pampublikong paaralan ang mangulekta ng kontribusyon mula sa mga estudyante.

9. Bawal na rin ang mga seminar at lakbay-aral na isinasagawa sa mga barangay.

Napag-alaman ni Duterte na ang ilan dito ang nag-a-allot pa ng budget para sa ‘educational tour’ sa Hong Kong.

10. Dapat maghanda ng panukli sa mga pasahero ang bawat taxi driver.

Para na rin daw ‘estafa’ ito dahil nangunguha ka ng pera na hindi sa iyo.

Sa Davao ay ipinapatupad na niya ito nang maraming taon.
Source: Pep.ph

Credits to the writer: Arnel Serato

To Top