Marami sa atin ay may problema sa balat at ang pangkaraniwan dito ay ang pag-kakaroon ng taghiyawat sa noo at sa pisngi. Ito ay pangkaraniwan, lalo na sa mga teenager ngunit kahit adult ay maaring magkaroon ng problema sa balat. May mga paraan naman para maiwasan ang ganitong suliranin. Halika at samahan mo ko sa paglahad ng 10 sikreto para sa kutis na kanais-nais!
- Bago matulog, siguraduhing maghilamos. Dapat palaging malinis ang mukha para walang mikrobyong kumapit dito na nagiging sanhi ng rashes o sakit sa balat.
- Ang pagpupuyat ay isang sanhi ng pagkakaroon ng taghiyawat, kaya ugaliing matulog ng sapat na oras palagi (7 to 8 hours araw-araw).
- Iwasang ma-stress. Wag mag isip ng labis dahil ang balat ay unang naaapektuhan ayon sa pagsusuri.
- Kumain lamang ng mga masusustansyang pag-kain kagaya ng gulay. Makikita sa kutis kung malusog ang isang tao.
- Iwasan ang paninigarilyo. Ang nicotine ay nakakapag-papangit ng ating balat.
- Kung parating nanunuyo ang balat, huwag basta gumamit ng moisturizer. Kumunsulta muna sa dermatologist at magpa-test para malaman kung saan ka hiyang. Maaari ring kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin E sapagkat ito ay natural na moisturizer na kinakailangan ng ating balat.
- Kapag tinubuan ng tigyawat, huwag tirisin at wag lagyan ng mga anti-pimple cream. Hayaan lang ito hanggang kusang mawala. Lalo lang dadami pag-pinakialaman mo.
- Iwasan gumamit ng mga matatapang na sabon dahil ang mga ito ay nagpapatuyo ng balat. Sa halip ay gumamit ng mild soap, lalo na kung ang iyong balat ay sensitive.
- Iwasang magpaaraw lalo na sa mga oras na 10am-4pm ng hapon dahil ito ay nakakasira ng balat. Gumamit ng sunscreen kung di natin maiwasan lumabas sa ganong oras or magsuot ng jacket, shades, at cap o anumang proteksyon.
- Huwag kalimutang imunom ng tubig, atleast 10 baso kada araw dahil kailangan ito ng balat upang mag mukhang bata at laging kaaya-aya.
Lagi nating tandaan na ang kutis ay ating pangalagaan, nang sagano’y mga sakit ay maiwasan. Ang kalusugan ay isa sa ating mga kayamanan.