General

100 million covid vaccine doses mula sa AstraZeneca planong i-supply sa Japan?

Nag-anunsyo ang British pharmaceutical giants na ito umano ang magsusupply ng 100 Million doses ng new coronavirus vaccine sa Japan. Inaasahan na magiging available ang nasabing vaccine pinakamaaga na sa September ngunit wala pa itong katiyakan,at hindi pa sigurado ang pagpasok nito sa Japan dahil sa dami pa ng dadaanan bago ito tuluyang maaprubahan. Ang British pharmaceutical giants na AstraZeneca at Oxford University ay nagpahayag kahapon na “kumpirmadong may malakas na immune response” sa vaccine clinical trial ang vaccine na kanilang dinedevelop. Ihinahanda na ang final clinical trial sa ngayon kung saan nakaplanong icommercialize ito early September.

Sa isang press conference ng AstraZeneca ipinahayag ng CEO ng AstraZeneca na si Pascal Sorio ang mga impormasyon na plano nilang makapagdeliver ng 100 Million doses ng vaccine sa Japan sa lalong madaling panahon, ngunit 2 Billion doses umano ang target nilang maideliver. Dagdag pa ni Pascal Solio, ” kung hihintayin pa ang resulta ng clinical trial sa japan bago ito aprubahan baka madelay lang ang pagsu-supply nila sa Japan.”

Ngunit ayon kay Yoshihiro Kitamura, Professor sa Nippon Medical School: ” Paano ba dapat aprubahan ang vaccine, Kailangan ba aprubahan ito agad dahil gagamitin ito sa bansa? Kailangan pa ng panahon upang makumpirma na safe nga ito para gamitin sa tao, at base sa mga report ngayon wala namang naisusulat na epektibo nga itong gamitin.” Ngunit kung ito ay mapapatunayan na epektibo nga tulad ng lemdecivir at maaprubahan overseas tulad ng UK, maaari nga sigurong magkaroon ng special case para sa daliang pagabpruba upang magamit ng publiko ang vaccine na ito, dagdag pa nito.

https://youtu.be/Kxb54OHr9AY

Source: ANN NEWS

To Top