General

118 katao positibo, Pinakamataas na bilang na naitala sa Tokyo sa loob ng 1 araw

Habang patuloy na kumakalat ang bagong coronavirus, ang bilang ng mga nahawaang tao sa Tokyo ay patuloy din sa pagtaas sa bawat araw na umabot na sa 118 sa unang pagkakataon. Ito ay mas mataas sa 97 na pinakamataas na naitala sa loob ng dalawang araw. Bilang tugon sa mga kahilingan para sa “self-restraint”.. sa lungsod, ang ilang mga tindahan ay sarado na mula ika-4.

Inihayag ng Tokyo noong Abril 4 na 118 mga bagong kaso ang nahawahan sa new coronavirus. 81 dito ay hindi pa natutukoy kung papaano at saan nagmula ang dahilan ng hawaan. Ang direct contact sa mga nahawaang tao ay nakumpirma sa 36 na tao, at ang isang tao ay may kasaysayan ng paglalakbay sa ibang bansa. Isa lamang ang nakumpirma noong ika-4. Dinadala nito ang kabuuang bilang ng mga nahawahan na kaso sa Tokyo na umabot na sa kabuuan 892. Sa mga ito, 74 ang nakarecover, kasama ang 22 na namatay sa matinding karamdaman. Nagpalabas ng obserbasyon si Gobernador Koike ng Tokyo at nagpahayag na, “Ang buhay ang nakasalalay dito. Nais kong matigil na ang anumang pagkalat na ito. Ang mga kilos ng bawat tao ay nakakaapekto sa pagkalat ng impeksyon,” at hinihimok niya ang mga mamamayan na manatili sa loob ng kani-kanilang mga tahanan.

https://youtu.be/q6okNAiSMNs

Source: ANN News

To Top