Health

SYMPTOMS OF A DAMAGE LIVER!

Ang liver ay mahalaga sa ating katawan, kaya atin itong pag-ingatan. Ngunit kung ikaw ay nakararanas ng isa man sa mga sintomas na ito, mabuting ikaw ay magpa-konsulta na sa isang espesiyalista sa atay:

  1. Pananakit ng tiyan – ang mga taong may sakit sa atay ay maaaring magkaroon ng mahinang panunaw.
  2. Pag-iiba ng kulay ng ihi – ang pagtaas ng bilirubin ay isang indikasyon na ikaw ay may sakit sa atay. Ang pagtaas nito ay maaaring maging sanhi ng pag-iiba ng kulay ng iyong ihi. Maaari itong maging orange o brown. Ang bilirubin ay nanggagaling sa ating “red blood cells” at ito ay dumadaan sa ating atay na inilalabas ng ating katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.
  3. Problema sa panunaw ng tiyan – ang may sakit na atay ay responsable sa pagpapababa ng antas ng “bile” o apdo sa ating katawan. Ang apdo ay isang maliit na organo sa loob ng katawang tumutulong sa gawaing panunaw o proseso ng dihestiyon. Kapag mayroong tama ang iyong atay ang antas ng bile ay bumababa na nagiging sanhi ng pagtatae o hindi pagkatunaw ng pagkain.
  4. Pamamanas – ito ay isa sa mga maaagang sintomas na makikita sa taong may sakit sa atay.
  5. Pangangati ng balat – ang pagkakaroon ng sakit sa atay ay maaaring magdulot ng pangangati sa balat dahil mas nagiging sensitibo ito.
  6. Pag-iiba ng kulay ng dumi – kapag bumaba ang antas ng bile sa katawan, ang kulay ng iyong dumi ay maaaring mag-iba. Maaari ito maging maputlang dilaw o gray.
  7. Kawalan ng gana kumain – resulta ito ng mababang antas ng bile sa katawan.
  8. Hormonal imbalance – sa mga lalaki, ito ay maaaring magresulta ng  paglaki ng dibdib at pagbaba ng libido.
  9. Jaundice o paninilaw – ito ay isang kondisyon kung saan ang iyong mata, dulo ng mga daliri, dila at balat ay nagiging kulay dilaw. Ito ay nangyayari kapag ang bilirubin na karaniwang inilalabas ng inyong katawan ay pumasok muli at dumaloy sa inyong mga ugat.
  10. Pagkahapo o Panghihina – ito ay isa sa mga karaniwang senyales na ikaw ay may sakit sa atay.
  11. Hypertension – ito ay isang sakit na maaaring kaakibat kapag ikaw ay may sakit sa atay.

SOURCE: MAYOCLINIC, HEALTHYTIPSWORLD

To Top