14-days Quarantine para sa mga papasok ng Japan, planong baguhin
TOKYO (Kyodo) – Papadaliin ng Japan ang kinakailangan nito para sa mga manlalakbay na babalik mula sa ibang bansa na sasailalim sa 14 days Quarantine mula Nobyembre 1, ayon sa Punong Ministro na si Yoshihide Suga noong Biyernes.
Ang hakbang na ito, ay target ang mga manlalakbay para sa negosyo habang ang gobyerno ay inaasahang mabuhay muli ang ekonomiya na lubhang naapektuhan ng pandemyang coronavirus , ito ay para din sa mga mamamayan ng Japan at mga dayuhan na may residential status saan mang bansa sila manggaling.
Ang mga nagbabalik na manlalakbay ay hihilingin na gumawa ng karagdagang pag-iingat upang maiwasan ang pagkalat ng virus, dagdag na pahayag ni Suga sa isang pagpupulong ng task force.
Source: Mainichi Times