General

143 katao pinakamataas na bilang ng positibo sa Tokyo sa 1 araw

Ayon sa mga opisyal, ngayong araw, 143 ang bilang ng bagong kaso ng nahawaan ng coronavirus sa Tokyo.Ito ang pinakamataas na bilang ng mga nahawaang tao sa isang araw.Nangangahulugan na lagpas na sa 1,000 katao ang nahawaan sa Tokyo. Nong April 4, unang lumampas sa 100 ang bilang ng nagpositibo para sa 2 magkakasunod na araw.

Sinabi ni Governor Koike sa mga reporter noong umaga ng April 5, ang kagustuhan nyang magkaroon na ng final decision sa pagdeklara ng” state of emergency. ”

Gayunpaman, gumagawa na ng aksyon ang Gobernador para sa paghahanda dahil sa tumataas na bilang. Ang mga may “Mild Symptoms” na pasyenteng hindi tinatanggap sa hospital ay pansamantalang patutuluyin sa isang hotel para maobserbahan at dun tuluyang magpagaling. Nasa 1000 bed capacity ang inihahanda sa tokyo ngayon.

Source: ANN News

To Top