14days quarantine hindi na kailangan para sa mga uuwing OFW’s
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang mga uuwing Overseas Filipino Workers ay hindi na kinakailangang sumailalim sa 14-day quarantine period, ngunit sasailalim pa rin ito sa swab testing.
Sa bagong patakaran ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang mga uuwing Overseas Filipino Workers ay pwede nang dumiretso sa kanilang tahanan kapag ito ay nag-negatibo sa COVID-19 test.
Paglapag ng OFW sa airport, agad itong isasailalim sa swab testing at pansamantalang tutuloy sa isang quarantine facility habang hinihintay ang resulta.
Nasa 3 hanggang 5 araw ang kailangang hintayin bago lumabas ang resulta ng test. Matapos ang swab testing na gagawin sa loob ng paliparan ay dederetso ang mga ito sa kanilang mapipiling accredited hotel facility ng gobyerno gamit ang sariling pera o kaya naman ay ang option na free accomodation ngunit sa loob ng isang barko ng 2Go kasama ang iba pa. Kapag lumabas na ang resulta at sila ay negatibo ay maari na nilang makuha ang kanilang certificate bilang patunay na sila ay tested negative pagkatapos ay pwede na silang umuwi sa kanilang mga tahanan.
Ang mga mag-popositibo ay agad namang dadalhin sa ospital para sumailalim sa gamutan.
CTTO poster and uploader, Tonywork