General

15 katao dagdag sa talaan ng mga namatay dahil sa covid-19 sa Tokyo

Ayon sa report 160 katao ang bagong nahawahan ng coronavirus noong May 2 sa Tokyo, at 15 katao na nakumpirma na namatay. Ang mga bagong impeksyon ay nakumpirma noong ika-2 sa 160 kalalakihan at kababaihan sa edad na 10 hanggang 90’s. Sa mga ito, 74 ay hindi alam ang ruta ng impeksyon o kung sa papaanong paraan nahawahan. Inihayag din ng Tokyo na 15 sa nahawaang tao ang namatay. Ang bilang ng pagkamatay na inihayag sa Tokyo sa bawat araw ay ito na ang pinakamataas. Sinasabing ang 11 sa mga ito ay nauugnay sa Nakano Ekoda Hospital. Ngayon ang bilang ng mga nahawaang tao sa Tokyo ay 4,478, kasama na ang 141 na namatay.

Source: ANN News

To Top