General

¥1 Million Penalty

1 Million Yen penalty at kulong para sa mga overpriced online resellers ng masks
Online reselling, ito umano ang tinuturong dahilan kung bakit may shortage ng masks ngayon sa Japan. Nagdesisyun ang gobyerno na opisyal na ipagbawal ang pagbebenta ng mask online simula noong March 10,2020. Kung sakali na magbebenta ka online ng mas mataas sa halaga ng orihinal na presyo nito sa merkado pagkatapos ng March 15, ikaw ay mapaparusahan ng hanggang 1 taon na pagkakabilanggo o multa ng aabot hanggang 1 milyong yen. Dahil sa kautusang ito, nagimbestiga ang review team kung papaano na ang sitwasyon ng bentahan online tulad ng “Mercari’ nang sinurvey isang buwan na ang nakakaraan, halos 60,000 piraso ang naibenta sa loob ng isang oras. Nang muli nilang tgnan noong ika-1o ng marso, nasa 155 na lamang ang naibebenta sa loob ng isang oras.

Sinurvey rin ang mga pamilihan sa Shinjuku-ku, Tokyo ngunit lahat ay sold out. May 3 linggo na ang nakakaraan, samantala habang lahat ng pamilihan ay sold out nadiskubre na may mga ilang pagkakataon na may available pa sa Don Quijote, ayon sa inteview 6 sa 36 stores nito ay may available na masks. 4 pa mula sa 35 stores ang sinurvey at parehong resulta.  Sa kabilang banda, Sa Nakano-ku 13 out of 15 naman ang sold out.

Halos pakonti na ng pakonti ang mga nakalista sa Mercari, sa auction site na kung saan ang highest bidder ang nagpapasya ng presyo na kung saan naibenta ang 6 na box sa halagang 52,000 yen at ang isang box ay umabot sa 8,700 yen. Sa ngayon ay mask pa lamang ang ipinagbabawal online, pinagiisipan na ring isunod ang mga disinfectants at diapers kung sakaling kakailanganin ng ikontrol ulit ang mga ito.

https://www.youtube.com/watch?v=2MufT9pBxCo

Source: FNN Prime

To Top