Karamihan sa ating mga nanay, maging ang mga busy na single worker ay abala sa bahay o di kaya naman sa paghahanap buhay. Dahil dito, madalas na wala ng oras para magluto kung kaya’t fast food o take out food na lamang ang kinakain. Ang mga ito ay okay naman subalit mapapagastos ka. Hindi mo rin alam kung masustansiya sapagkat kadalasang maraming seasoning ang mga fast food na pagkain.
Heto ang dalawa sa Japanese meals na madaling lutuin, nutritious, at budget-friendly pa.
Gyudon
Mga Sangkap:
1 malaking sibuyas
2 green onions/scallions
¾ lb (12 oz, 340 g) baka, hiwain ng maninipis
1 Tbsp. mantika
2 tsp. asukal
2 Tbsp. sake
2 Tbsp. mirin
1 Tbsp. toyo
3 malaking itlog (optional), beaten
3 tasa ng lutong Japanese rice
Paraan ng Pagluluto:
- Hiwain ang sibuyas at berdeng sibuyas sa manipis na hiwa at ang mga karne sa maliliit na piraso .
- Prituhin ang sibuyas sa kawali hanggang sa lumambot ito.
- Ilagay ang baboy at asukal at hayaang maging brown.
- Idagdag ang sake, mirin at toyo.
- Pakuluan hanggang sa mawala ang tubig nito at kumulo.
- Pwede ring magdagdag ng itlog kung iyong nais.
- Ilagay ang baka at itlog sa taas ng kanin at sauce na iyong nais.
Crispy Baked Chicken (Chicken Katsu)
Mga Sangkap:
1 cup panko
1 Tbsp. olive oil
1 lb. (454 g) boneless, skinless chicken breast, pinatuyo
Salt
Freshly ground black pepper
¼ cup all-purpose flour
1 large egg
1 Tbsp. water
Paraan ng Pagluluto:
- Linyahan ang rimmed baking sheet gamit ang parchment paper.
- Pagsamahin ang panko at mantika, lutuin ito hanggang sa maging golden brown. Pagkaprito, palamigin ito.
- Kunin ang mga pitso ng manok sa kalahati. Kalahating kilong chicken sa pantay na kapal kung kinakailangan. Budburan ng asin at paminta sa magkabilang panig ng manok.
- Sa isang mangkok, maglagay ng harina at sa isa naman, magbati ng magkasama ang mga itlog at tubig.
- Lagyan ito ng harina at pangko, siguraduhing kakapit ang mga sangkap dito.
- Ilagay ang mga piraso ng manok sa nakahandang baking sheet.
- Ihurno ang manok hanggang sa ito ay maluto sa loob mula 25-30 minuto lamang. Ihanda ng may sauce.
Hayan at luto na! Sa murang halaga nakapagluto na, kaya anu pang hinihintay niyo? Tara na at subukan natin itong mga Japanese meals recipe na tiyak kong magugustuhan ng buong pamilya.
image credit: japanesecooking101.com, wagyusmith.com