General

2 Linggong extension ng “emergency declaration” ipapatupad sa Okinawa

Sa Okinawa prefecture, kung saan ang impeksyon ng coronavirus ay tumataas, Inanunsyo ni Governor Tamaki na palalawigin nito ang “emergency declaration” sa buong prefecture ng Okinawa ng 2 linggo pa simula sa ika-29 ng buwang ito.

Pahayag ni Governor Tamaki: ” Sa loob ng 2 linggo, ang bawat mamamayan ng Okinawa ay kinakailangang gumawa ng seryusong hakbang upang mapigilan ang pagpapasa pasa at pagkakahawa hawa ng impeksyon. Dahil kung hindi ito seseryusohin, baka umabot tayo sa sitwasyon na mahihirapan na tayong kontrolin ito.”

Sa Okinawa Prefecture, 97 katao ang kumpirmadong nagpositibo noong ika-13 ng buwang ito na umabot na sa sumatotal na bilang na 1404.

Bilang karagdagan itinaas ang alert level sa pinakamataas na level ang “4th stage infection,” at hinihikayat ang publiko na iwasan muna ang paglalabas ng hindi naman importante.

Source: ANN NEWS

To Top