Tropical Depression “Ambo” – Ang unang bagyo na tumama sa Pilipinas ngaung taon. Nananatili ang kanyang lakas at ngayon ay patungo na sa Aurora Province.
Inanunsyo ng PAGASA, na ang mata ni “Ambo” ngayon ay nasa layong 140 kilometro hilagang silangan ng Virac, Catanduanes. At gumagalaw ito sa lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras at bilis na 22 kilometro kada oras.
Inaasahang hihina si “Ambo” pagkarating ng Aurora bukas ng umaga, Lunes. Itinaas na ang Signal number 1 sa probinsya ng Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Northern Quezon (kasama ang Polillo Islands), Aurora at Quirino.
Inaabisuhan ang mga residente na nakatira sa mababang lugar at malapit sa bundok para sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, inanunsyo na rin na walang pasok bukas, araw ng Lunes ang mga estudyante. Kabilang sa mga lugar na nag-anunsyo ay ang mga lokal na pamahalaan ng Baler, Aurora (Pre-school to Highschool); Catanduanes (Pre-school); at Naga City, Camarines Sure (Pre-school), bilang paghahanda sa parating na bagyo.
Aasahan naman ang mahina hanggang malakas na ulan na may hangin ang mga probinsya ng Bicol Region, Central Luzon, Cagayan Valley at Quezon Province. Makulimlim na panahon naman na may kalat-kalat na pag-uulan at pagkulog at pagkidlat sa mga lugar ng Metro Manila, Visayas, Mindanao, Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, at mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas at Rizal. Samantala, maulap na kalangitan at mahina hanggang malakas na ambon ang mararanasan ng natitirang lugar sa bansa.
Samantala, isang LPA pa na papalapit sa Surigao City ang binabantayan ng PAGASA mula pa noong Sabado ng umaga. Namataan ang LPA bandang 11 a.m. noong Sabado, sa layong 850 km sa Surigao del Norte.
SOURCES: GMA NEWS, DOST PAGASA, NEWS.LIVEDOOR.COM (PICTURE), INQUIRER.NET.
#Japinoy #Japinonet