Accident

2 malubha, 15 nasaktan sa isang malakas na pagsabog sa Koriyama City

Humigit- kumulang 15 katao ang nasaktan sa isang pagsabog sa Koriyama City, Fukushima Prefecture umaga ng July 30,2020. Ang pagsabog ay nangyari sa isang restaurant sa Koriyama City. Nagsiliparan ang mga dingding ay nagkalat ang iba pang parte ng restaurant. Ayon sa mga fire fighters, nagkaroon ng malakas na tunog ng pagsabog bandang alas 9 ng umaga. 2 sa 15 katao na nasaktan ay malubha, pati na rin ang 2 customer at 2 banker sa kalapit na bangko ay nadamay at nasaktan sa pagsabog na naganap. May mga nabasag ding window glasses sa mga kalapit na bahay. Amoy din ang singaw ng gas sa paligid. Hinarangan ng kapulisan ang 50-100 radius sa paligid ng lugar at inabisuhan ang lahat na wag munang gumamit ng propane gas sa stores baka magkaroon ng kasunod na pagsabog o leak dahil sa nangyaring aksidente.

Source: ANN NEWS

To Top