2 NEW COVID-19 VARIANTS IN JAPAN: Dumadami ang cases
2 NEW COVID-19 VARIANTS IN JAPAN: Dumadami ang cases
Isang bagong COVID-19 variant, EG.5, ang kumakalat sa Japan. Inaasahan ng mga experts na ito ay magiging number one variant ng virus sa bansa sa middle ng September.
Bagamat walang evidence na nagsasabing ang EG.5 ay nagdudulot ng mas malubhang symptoms kaysa sa iba pang sub-variant ng Omicron strain, sinasabi ng mga experts na maaaring mas madaling makalusot ang bagong uri ng virus sa ating immune system.
Ang EG.5, o kilala rin bilang “Eris” matapos base sa pangalan ng isang goddess sa Greek Mythology, ay unang iniulat noong February 2023 at itinalaga bilang isang “variant of interest” ng World Health Organization noong August.
Habang ang mga kaso ng COVID-19 sa Japan ay unti-unting tumaas, ang EG.5 ay unti-unting kumakalat sa bansa mula July, ayon sa National Institute of Infectious Diseases.
Ang isang bagong sub-variant ng EG.5 na tinatawag na EG.5.1 ay binubuo ng 29 percent ng 200 cases ng COVID-19 na naitala noong Linggo mula August 7 hanggang 13. Inaasahan na tataas ito sa 58 percent sa simula sa September 11.
Sa Tokyo, iniulat ang unang kaso sa loob ng bansa ng isa pang uri ng Omicron variant.
Ang bagong variant na tinatawag na BA.2.86 ay natuklasan mula sa isang test sa isang ospital noong late August, ayon sa pahayag ng Metropolitan Government ng Tokyo noong September 7.
Ito ay isang sub-variant ng BA.2 variant, na naging pangunahing variant ng virus sa buong mundo noong 2022. Ang bagong sub-variant ay may higit sa 30 na mutations sa spike protein kumpara sa original na variant nito.
Walang ebidensyang nagpapakita na ang BA.2.86 ay nagdudulot ng mas malubhang mga symptoms hanggang ngayon. Gayunpaman, maaaring kayang makalusot ang bagong variant sa antibody immunity na nabuo matapos ang pagbabakuna at mainfect ng virus.
Noong August 24, itinalaga ng WHO ang variant bilang isang “variant under monitoring.”
Bilang tugon sa mga bagong variant na ito, inaprubahan ng Health Ministry ang isang bagong vaccine laban sa XBB, isang sub-variant ng Omicron strain na kinapapalooban ng EG.5 at BA.2.86.
Ang vaccine, na ginawa ng Moderna Inc., ay planong ipababakuna mula sa September 20 kasama ang isang naunang inaprubahang booster na ginawa ng Pfizer Inc.
ASAHI SHIMBUN SEPTEMBER 13, 2023
https://www.asahi.com/ajw/articles/15004385