Accident

2 pang Nawawala Mula sa Hokkaido Tour Boat, Nakilala sa DNA

Sinabi ng coast guard ng Japan noong Biyernes na ipinaalam ng Russia ang DNA samples na kinuha mula sa dalawang bangkay na natagpuan sa Kunashiri Island ay tumugma sa mga pasahero mula sa tourist boat na lumubog sa Hokkaido noong Abril.

Ang mga bangkay ay pinaniniwalaang kay Akira Soyama, isang 27-taong-gulang na deckhand, at isang babae na kabilang sa 12 katao na hindi pa rin nakikilala matapos ang paglubog ng Kazu dahil sa sa masamang panahon.

Ang bangka, na may lulan na 26 katao, ay nawala noong Abril 23 matapos umalis sa daungan sa Shari, isang bayan sa northernmost main island ng Japan, para sa paglalakbay sa kahabaan ng Shiretoko Peninsula. Ang barko, na umalis sa kabila ng mga bad weather warning, ay natagpuan sa seabed sa labas ng Hokkaido noong Abril 29.

Natukoy na ang labing-apat na biktima.

Ang bangkay ng babae ay natagpuan sa kanlurang baybayin ng Kunashiri Island noong Mayo 10. Pagkaraan ng siyam na araw, isa pang bangkay ang natuklasan na may driver’s license na natagpuan sa malapit na nagpapahiwatig na ito ay si Soyama.

Ang DNA mula sa deckhand at tatlong nawawalang babae ay naipasa sa Russia upang makita kung tumugma ang mga ito sa anumang mga bangkay na natagpuang inanod sa pampang, sinabi ng Japan Coast Guard.

Kukumpirmahin muli ng Japan ang pagkakakilanlan ng mga biktima kapag naibigay na ang mga bangkay.

Ang Kunashiri Island ay isa sa apat na kontrolado ng Russia, ang Japan-claimed islands na sama-samang tinatawag na Northern Territories ng Tokyo at Southern Kurils ng Moscow.

To Top