Crime

2 suspek sa pagpatay sa matandang haponesa sa maynila, Arestado

Noong buwan ng agosto nang nakaraang taon, pinatay ang mag-isang naninirahan na matandang haponesa na nakilalang si Maezawa Reiko sa loob ng kanyang tahanan sa maynila. Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa krimen dahil nalimas umano ang mga ilang mahahalagang gamit ng matanda tulad na lang ng alahas, pera at cellphone.Arestado ang 2 suspek na kinilala na sina Renante Camos Guniro at isa pang 16-anyos na lalaki. Wala pang inilalabas na anumang impormasyon ukol sa kaso ang mga pulis, nahuli ang 2 dahil na rin sa mga impormasyon ng mga saksi malapit sa pinangyarihan ng krimen. Natagpuan ang bangkay na nakatali ang paa at kamay na may tuwalyang nakasaksak sa bunganga, nang araw ding iyon may mga saksing nakapansin ng 2 lalaki na kahina-hinala sa lugar na syang naging daan upang matukoy ang mga suspek. Inaalam pa sa ngayon ang iba pang mga ninakaw na bagay sa biktima.

Source: ANN NEWS

To Top