Health

2 weeks quarantine

2 weeks quarantine at insurance coverage sa NCOV test ipapatupad

Nais ni Prime Minister Abe na ipatupad ang 2 weeks  quarantine measure para sa mga Chinese at South Koreans na papasok sa bansa simula sa ika-9 ng buwang ito. Dahil rito, nais rin idagdag ang insurance coverage ng PCR testing para sa ncov na uumpisahan naman ngayong araw.

Ano ang magiging pagbabago? Kahapon, nagkaroon ng conference nationwide kung saan ay ipinagbigay alam kung sinu-sino ang mga bagong nahawahan. Patuloy pa rin ang pagkalat ng virus. Dahil dito, naantala ang takdang pagbisita ni Xi Jinping Jintao sa bansa. Ayon sa kanyang Chief Cabinet Secretary Kan, ” tungkol sa state guest visit na nakatakda sanang gawin sa susunod na buwan ay ipagpapaliban muna at itutuloy na lang kung kailan magiging ok na ang lahat.”

Ayon kay Prime Minister Abe: ” Tuloy-tuloy pa rin ang pagpasok ng mga tao sa Japan na nagmumula sa China at South Korea, kung kaya’t paiigtingin ang quarantine para sa 2 bansang nabanggit. Kinakailangang maghintay muna ng 2 linggo sa isang itatakdang lokasyon ng quarantine director, at mahigpit na ipagbabawal ang paggamit ng pampublikong transportasyon.”

Hinihingi ng Gobyerno ng Japan sa China, kung saan nagmula ang outbreak at sa South Korea kung saan ay pumapangalawa sa malalang kaso ng mga nahawahan na mawalan ng bisa ang mga na-grant na visa at iwasan na munang pumasok sa Japan. Maghahanda sila ng facilities at medical institution para maaccomodate ang mga magpositibo sa quarantine.

May iba pang mainit na isyung tinalakay. Ito ang Insurance coverage para sa new coronavirus testing na nakatakdang magsimula ngayong araw.

Minister Katsunobu Kato: ” Ang insurance coverage ay magandang balita para sa lahat, upang mas malawak ang maabot ng PCR testing. Kung tutuusin ay maraming hinaing sa socmed na nais nilang makapagpatest pero hindi nila magawa dahil sa hindi kasama sa insurance coverage ang test para dito.”

Japan Medical Association, Executive Director Toshika Kamagashi: ” Kinokolekta ko ang mga datos sa pamamagitan ng prefectural medical association kung saan pa ang hindi nakakagawa ng nasabing tests.”

Subalit may naitalang 39 na kaso kung saan hindi pinaunlakan ng isang health center ang nais na pagpapasuri noong Marso 4, 2:00pm sa mga kadahilanang: ” Hindi masyadong malala, walang close-contact, o hindi fit para suriin, atbp.” Ngunit ang lahat ng ito ay magbabago na dahil sa bagong coverage ng insurance para dito.

Sa hinaharap, ang doktor ang magdedesisyun kung dapat bang suriin o hindi ang isang pasyente. Ngunit posibe lamang ito kung may kakayahan ang pasilidad para sa pagsusuring gagawin.

https://youtu.be/nWXwgN58SHQ

Source: ANN News

 

To Top