General

20 bagong kaso ng mga positibo sa Osaka, “self quarantine” ipinapakiusap sa lahat

Governor Hirofumi Yoshimura ng Osaka Prefecture, inihayag na 20 katao ang nahawaan ng bagong coronavirus sa isang araw, humiling ng “self-restraint” sa weekends, na naglalayong  ” maiba ang sitwasyon.” Sa Osaka Prefecture, 27 katao ang bagong nahawahan noong Marso 27, kasama ang tatlong manlalaro ng Hanshin Tigers, 17 na kalalakihan at kababaihan sa kanilang 20’s at 80’s, ang mga kababaihan sa kanilang edad na 80 ay may malubhang ng sakit. Labing-walo sa 20 ay walang kilalang route of transmission, at ang ratio ng mga positibo sa mga tests ay mas mataas kaysa sa dati. Sa kadahilanang ito, si Governor Yoshimura ng Osaka Prefecture ay nagdaos ng isang emergency na pagpupulong sa gabi ng ika-27, at binigyang diin na “ang sitwasyon ay naiiba at hindi na katulad ng sa dati,” humiling din sila sa mga tao na sa ika-28 at ika-29 na wag munang lumabas.

Governor Yoshimura: “Ang positibong rate (ng Osaka Prefecture) ay tumataas, at napagpasyahan lang namin na ito na ang oras na mgseryuso at maging mas lalong maingat.” Sinabi ni Governor Yoshimura na kinakailangan itong gawin upang matukoy kung ang isang malaking bilang ng mga kumpirmasyon sa impeksyon ay pansamantala at may epekto sa galaw at paglabas labas ng mga tao.

https://youtu.be/5zsrjmuRQGE

Source: FNN Prime News

To Top