General

20 Katao, positibo sa cluster infection sa Tenri University Rugby Club

Isang cluster infection ang naganap sa Tenri University rugby club sa Nara prefecture. Ayon sa siyudad, isa sa mga miyembro nasa edad 20’s ang nagpositibo noong August 12 sa Rugby club ng Tenri University. Agad sinuri ang nasa 60 katao na nakasalamuha ng nasabing lalaki at doon nakumpirma na 19 rito ang nahawahan noong August 15. Dahil ang 20 kataong ito ay nakatira sa iisang dormitoryo, agarang isususnod ang pagsusuri sa lahat ng nakatira sa nasabing dormitoryo at iba pang nakapasok rito. Sa Nara prefecture, 5 lalaki at babae rin ang nakumpirmang positibo. Ito na ang total na pinakamataas na bilang ng kumpirmadong positibo sa isang araw sa lungsod.

Source: ANN NEWS

To Top