2020: TAXI PARA SA MGA NAKA-WHEELCHAIR
Ipinahayag ng Toyota na magkakaroon ng bagong sasakyan na mas komportable para sa naka-wheelchair at may mas malawak na space para sa lalagyan ng bagahe. Ang bagong henerasyon ng sasakyan na ito ay dinesenyo upang mas mapaganda ang serbisyo sa mga pasaherong naka-wheelchair, matatanda, at mga dayuhang madaming mga dalang bagahe. Ang kumpanya ay naglalayong mapalitan ang mahigit na1/3 ng mga taxi sa Tokyo hanggang sa Olympics sa 2020.
Source: ANN News
