General

250 katao kada araw papayagang makapasok ng Japan mula sa 4 na bansa

Nagbabalak ang Japan na luwagan ang restriksyon ng pagpapasok ng mga tao mula sa mga bansang kasama sa travel ban nito sa pamamagitan ng pagpapasok ng nasa 250 katao kada araw para sa mga business travellers mula sa bansang Australia, New Zealand, Thailand at Vietnam.

Ang kota kung saan ay balak umpisahan ngayong summer ay unang i-aapply sa mga taong may koneksyon sa negosyo tulad ng mga executives at engineers, ayon sa source. Inaasahan na mafifinalize ng government task force sa virus ang mga detalye sa lalong madaling panahon.

Ang bansang Japan ay  may entry ban sa nasa 111 na bansa at rehiyon kung saan ang mga foreign travellers na nagmula sa mga bansang kinabibilangan sa listahan sa loob ng 2 linggo  ay hindi pinapayagang makapasok.

Nagpaplano rin ang gobyerno ng Japan na maglagay ng mga istasyon kung saan gagawin ang polymerase chain reaction (PCR) tests sa mga papalabas ng bansa, dahil ang ibang mga bansa ay nagsimula ng magbukas ng mga borders upang may maipakita ang mga ito na sila ay negatibo sa covid pagpasok sa mga bansang ito, dagdag pa ng source.

Ayon sa Foreign Ministry, humigit- kumulang 181 na mga bansa at rehiyon ang nagpapatupad ng travel restrictions tulad ng sa Japan, kasama na ang Australis, New Zealand, Thailand at Vietnam.

Source: Japan Times

To Top