Food

259 people suffer food poisoning from contaminated grated radish in Aichi

Mahigit 259 katao ang nakaranas ng pagduduwal at pagtatae matapos kumain ng kontaminadong grated radish na ginawa ng kumpanyang Atlas na nakabase sa Ama City, sa Aichi Prefecture. Ayon sa mga awtoridad pangkalusugan, natuklasan ang norovirus sa 113 na sample mula sa mga pasyente, na nagpatunay na ito ang sanhi ng malawakang food poisoning.

Ang produkto ay ipinamahagi sa mga restaurant sa limang prepektura — Aichi, Gifu, Mie, Shizuoka, at Shiga — ngunit hindi ito direktang ibinenta sa mga mamimili. Dahil sa maikling shelf life, ang mga servings ay nakain o naitapon na, kaya hindi na ito na-recall.

Ang kumpanya ay pansamantalang ipinasara ng Tsushima Health Department noong ika-10 ng buwan, ngunit inalis ang pagbabawal kinabukasan matapos magsagawa ng mga hakbang sa pagpigil ng muling insidente.

Source: CBC TV

To Top