General

28 na bagong kaso ng nahawahan sa Chiba mula sa isang welfare facility at nursery center

Isang welfare facility  sa Chiba Prefecture, nakumpirma ang mga paglaganap ng infection ng virus, may 28 katao ang bagong nahawahan sa new coronavirus, kabilang ang mga residente at kanilang mga pamilya. Ayon sa Chiba Prefecture, sa Hokuso Nursery Center sa Higashisho Town kung saan nakumpirma ang mga kaso ng hawaan, 28 na mga bagong residente at kawani ang nahawahan noong ika-29, kasunod ng 58 katao noong ika-28. Dalawampu sa kanila ay mga asymptomatic na residente o walang senyales ng corona virus at walo naman ay mga staff ng nasabing center. Ang apat sa mga nakumpirma na nahawahan ay kailangang ma-ospital, dahil sa kaso ng dehydration, at ang mga kalalakihan sa kanilang mga forties ay pinaghihinalaang may pulmonya. Sa kabilang banda, inihayag ng Chiba City at iba pa ang kaso ng positibong impeksyon ng mga babaeng nursery workers sa kanilang 20′ s na nagtatrabaho sa “Hononotanpo Hokuen” ng lungsod. Nagsimula ang ubo sa nursery noong unang bahagi ng Marso at patuloy na nagtatrabaho habang nakamask ang mga ito hanggang sa ika-27. Kasalukuyang sinusuri ang 34 na mga staff na nakasalamuha ng mga positibo. Nangangahulugan ito na ang mga bata ay patuloy rin na minomonitor ang kanilang kalusugan sa bahay at nagsasagawa ng sunud-sunod na mga pagsusuri oras na lumabas ang mga sintomas o kaya naman ay kung hiniling ng mga magulang.

 

Source: ANN News

To Top