3.32 Milyong yen mula sa Japan Post Bank “mijica” card holders, nanakaw ng mga hacker
Napag-alaman na ang card na “mijica” ng Japan Post Bank, ay nabiktima ng mga hindi awtorisadong pagwiwithraw nang hindi nalalaman ng customer, at maaaring nakompromiso o na-expose ang mga personal na impormasyon ng ilang customer. Inihayag ng Japan Post Bank na mayroong hindi awtorisadong pag-access sa nakalaang website ng mijica, para sa debit at prepaid card. Mayroong mmga hindi pinahihintulutang pag-access mula Hulyo hanggang nitong huling buwan, at ang personal na impormasyon tulad ng pangalan at petsa ng kapanganakan ng customer ay maaaring nakuha. Ang detalyadong kabuuan ng pinsala ay hindi pa alam,ang Japan Post Bank ay tumigil sa paggamit ng nakalaang site mula sa gabi ng ika-3 ng buwan na ito. Isiniwalat na ang remittance function ng mijica ay inabuso at halos 3.32 milyong yen ang nakuha mula sa mga account ng 54 katao nang hindi alam ng customer. Sa hinaharap, kung may bagong pinsala na matagpuan, ang buong halaga ay babayaran.
Sources: ANN NEWS