Crime

3 ARRESTED FOR SELLING CONTAMINATED BEEF CUTLETS

NAGOYA – Tatlong tao ang nahaharap sa asunto dahil sa pagbenta nang karne ng baka na ipinatatapon na ng Ichibanya Co..

Si Kazuyuki Onishi, 75 taong gulang, namumuno sa isang kilalang waste disposal company sa Aichi Prefecture, si Masao Okada, 78 taong gulang, itinalagang tagapangasiwa ng noodle processor sa Gifu Prefecture, at si Masatoshi Kimura, 76 taong gulang, dating ehekutibo ng isang food sales company na nakabase sa Aichi, ay mga suspek sa pagbebenta ng mga patapon nang pagkain galing sa Curry House  Co. Co. Ichibuya.

Ayon sa report, ang operator ng nasabing curry chain ay hiniling sa kumpanya ni Onishi na itapon ang 40,000 na “frozen beef cutlets” dahil sa suspetsang nalagyan ito ng “synthetic resin” nung ito ay prino-proseso. Sinabi ni Onishi sa Ichibanya Co. na ibinaon na nila lahat ng karne sa lupa. Ngunit ilan sa mga nasabing karne ay naibenta pala sa kumpanya ni Okada na binili naman ni Kimura sa kanya upang ibenta sa mga supermarkets.

Sa ngayon wala pa namang nai-rereport na kaso ukol sa mga kontaminadong baka na naglipana sa mga supermarket, ayon pa sa mga pulis.

Sinampahan ng kaso si Onishi sa pagbebenta nang 36,000 na karne ng walang permiso kay Okada sa halagang 1.09 million yen noong Oktubre hanggang Disyembre. Samantala sina Okada at Kimura ay sinampahan ng “defrauding food wholesalers” sa halagang 500,000 yen.

Inamin na ni Onishi ang pagkakasala, ngunit ikinaila naman ito ni Okada at si Kimura ay sinasabing ang ibang kwento ay hindi totoo. Sa ngayon, nag-iimbestiga pa ang mga pulis ukol sa insidenteng ito.

SOURCE: ANN NEWS, YOUTUBE, JAPAN TODAY

#Japinoy #Japinonet

https://youtu.be/x8qjOylGcWI

To Top