Crime

3 buwang sanggol, Patay matapos iwan ng ina mag-isa sa loob ng 16hours

Sa kaso na kung saan wala ng buhay nang natagpuan ang isang 3 buwang sanggol na naiwan magisa sa Taito Ward, Tokyo. Napag-alaman na ang ina ng sanggol na agaran ring naaresto ay lumabas upang maghanap-buhay. Nakilala ang ina ng sanggol na si Ai Sakamoto (30-anyos), umalis umano ito at nawala ng humigit-kumulang 16 na oras mula 22 ng gabi hanggang kinabukasan July 23, 2020 sa apartment nito upang magtrabaho. Idineklarang patay ang sanggol matapos itong dalhin sa hospital na kung saan ito ipinanganak.  Ayon sa mga awtoridad, wala namang trauma o anumang bakas na naabuso o sinadya ang pagkamatay ng sanggol ngunit isasailalim pa rin sa autopsy ang bangkay upang matukoy ang eksaktong dahilan ng pagkamatay nito.

https://youtu.be/sCKaeHIoBOU

Source: ANN News

To Top