Ang pagpapayabong ng kaalaman ay isa sa mga batayan ng maunlad na bansa tulad ng Japan. Tunay na napakahalaga para sa kanila na matuto ang bawat isa ng wastong pamamaraan ng pagsasalita ng kanilang katutubong wika saan man dako ng mundo sila mapadpad. Kaya’t kung ikaw ay nangangapa pa lamang sa pagsasalita ng wikang Haponese, narito ang ilan sa mga pinakatanyag na Japanese language learning websites na maaari mong bisitahin anumang oras upang lalo pang matutunan ang wikang Hapon.
Japanese Language Learning Websites for Free
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga mapagkakatiwalaang Japanese websites kung saan ang pag-aaral ng Nihongo at iba pang wika ng mga Hapones ay magiging kaaya-aya at makabuluhan.
http://www.freejapaneselessons.com
Sa website na ito, tuturuan kayo ng Japanese alphabet at kung paano bumasa, magsulat at umunawa ng salitang Nihongo. Bukod dito, matututuhan din ang ukol sa wastong pagbuo ng sentence structure at Japanese grammar gayun din ang mga common words at phrases. Ang malaking kaibahan nito sa ibang Japanese Language tutorial websites ay lubos nilang itinuturo ang may kaugnayan sa conjugation of verbs para sa mas epektibong pagbuo ng mga pangungusap.
http://www.learn-japanese-kanji-hiragana-katakana.com
Ang website na ito naman ay gumagamit ng mga online video tutorials sa pagtuturo ng Japanese language. Wala kayong dapat gawin kundi mag-sign up at pwede na kayong magsimulang mag-aral ng Hapones.
Ito ay itinatag noong 2007 ng isang Hapones. Ang kanyang teaching approach o methodology ay masasabing napakamalikhain dahil hindi lamang wika ang kanyang itinuturo sa kanyang mga tagasubaybay kundi pati na rin ang Japanese culture; bagamat ito ay pahapyaw lamang. Samantala, ang kanyang mga Japanese tutorial videos ay may sense of humor ayon sa mga nakabisita na sa kanyang website; upang mas maging versatile ang ating cognition anuman ang edad at katayuan sa buhay. At ang pinakamaganda dito, mayroon siyang self-learning online Japanese textbook na kung tawagin ay textfugu.
Ang mga Japanese language learning websites ay isa lamang pagpatunay sa di matarawarang kapangyarihan ng cyberspace upang ang edukasyon ay maging bukas para sa lahat ng taong gustong maipahayag ang sarili sa pamamagitan ng Japanese Language.