Crime

3 Lalaki arestado sa kasong pandaraya para makakuha ng 100万円 na ayuda

Tatlong kalalakihan ang naaresto dahil sa pandaraya sa mga benepisyo upang masuportahan ang mga nagmamay-ari ng negosyo at ang iba pa na nabawasan ang kita dahil sa epekto ng pandemic na coronavirus. Ang kabuuang pinsala ay tinatayang inabot ng 1 milyong yen. Noong Hunyo, Ang mga suspek na sina Takehiko Yamamoto (45) at tatlong iba pa ay pinaghihinalaan ng pandaraya sa pag-claim ng national sustainability na benepisyo na 1 million yen sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pekeng aplikasyon na nabawasan ang kanilang kita dahil sa mga epekto ng coronavirus. Ayon sa Tokyo Metropolitan Police Department, si Yamamoto at ang kanyang mga kasamahan ay nagpanggap na isang lalaki sa edad na tatlumpung taon na isang kakilala at nag-iisang nagmamay-ari ng isang negosyo, lumikha ng isang peke na ledger ng mga benta, at isinumite ito sa Small and Medium Business Administration Sinasabing nagtipon ng mga kaibigan si Yamamoto at tinuruan nya ang mga ito kung paano mag-apply. Halos 100 iba pang mga tao ang naaresto ng may parehong kaso, at tinatayang ang kabuuang pinsala ay umabot sa 100 milyong yen pagkatapos mag-apply para sa mga kasinungalingan upang makakuha ng ayuda.

https://youtu.be/4nn3u9qT4Jg

Source: ANN NEWS

To Top