3 Mag-aaral na Babae, Nalunod sa Fukuoka River noong 1st day ng Summer Vacation
Tatlong mag-aaral na babae ang nalunod sa isang ilog sa Fukuoka Prefecture, southwestern Japan, nitong biyernes habang lumalangoy sa unang araw ng kanilang summer vacation, sinabi ng mga lokal na awtoridad.
Ang mga local sixth grader ay naglalaro sa Inunaki River sa Miyawaka kasama ang lima pang bata.
Isa pang batang babae, na kasama ng mga nalunod ay naipit sa malalim na bahagi ng ilog, ay hinila ng mga kaibigan, ayon sa headmaster ng kanilang paaralan.
Walang mga matatanda sa malapit, kahit na sinabi ng headmaster sa isang press conference na hiniling ng paaralan ang mga mag-aaral na huwag pumunta sa ilog nang mag-isa.
Sa humigit-kumulang ala-1 ng hapon, nakatanggap ang pulisya ng isang tawag na nag-uulat na ang mga batang babae ay hindi lumabas mula sa ilog. Makalipas ang tatlumpung minuto, natagpuan ng mga rescuer ang lahat ng tatlong batang babae na nakalubog sa tubig at agad silang dinala sa ospital, kung saan sila ay kumpirmadong patay.
Ang ilog, na humigit-kumulang 10 metro ang lapad at halos 1.3 metro ang lalim sa karaniwan, ay nasa normal na lebel ng tubig, ayon sa local office of the land ministry.