MANILA: 3 ang kumpirmadong patay habang 23 naman ang sugatan sa sunog kahapon March 18, sa isa sa mga itinuturing na major hotels sa kamaynilaan. Ayon sa mga awtoridad, sinagip ang mga nastranded sa rooftop na na-trap sa makapal na usok sa pamamagitan ng helicopter.
Patuloy na nagliliyab pa rin ang apoy sa Waterfront ng Manila Pavilion, isang high-rise hotel and casino complex pagkalipas ng 9 na oras, Linggo ng umaga. 2 na ang nawawala habang daan-daan naman ang nagsitakbuhan papalayo sa naturang gusali.
Dagdag pa ng mga awtoridad, nauna ng ipinahayag na 4 ang patay sa insidente ngunit kinlaro din nila na 3 lamang dahil narevive umano ang isang biktim sa hospital ayon kay Metro Manila Development Authority acting chief Jojo Garcia.
Ang 3 naiulat na namatay ay maaring nasuffocate sa makapal at maitim na usok samantalang itinakbo naman ang 23 na sugatan sa hospital, pahayag ni Manila city’s disaster risk reduction chief, Johnny Yu.
“Napakakapal ng usok at malakas ang hangin kung kaya’t nhihirapang apulahin ang sunog ng mga rumespondeng bumbero.” Patuloy ang pagiimbestiga kung ano ang sanhi at saan nga ba nagmula ang sunog, ngunit paniniwala nila ay maaring nagsimula ito sa casino o kaya namna ay sa mezzanine area sa 21st floor ng hotel, pahayag ni Chief yu sa mga reporters.
Lumibot naman si Pres. Duterte lulan ng helicopter upang surveyin ang sunog na naganap noong Linggo din ng hapon,.
https://www.youtube.com/watch?v=i8679IV5SyU
Source: ANN News, Channel asia
You must be logged in to post a comment.