Crime

3 Pinay, Arestado dahil sa pagpupuslit ng cocaine

Tatlong Pilipinong kababaihan ang naaresto sa hinala ng Pagpupuslit ng cocaine sa pamamagitan ng isang botelya ng shampoo.

Si Tatebe Susan Tanhar, 47-anyos, at iba pa ay pinaghihinalaang nagpuslit ng tinatayang nasa 666 gramo ng cocaine sa loob ng isang botelya ng shampoo mula sa Pilipinas patungo sa bahay ng kakilala ni Tatebe sa pamamagitan ng pang-internasyonal na koreo noong Enero 9.

Ang botelya ng shampoo ay naka-pack na may mga kasama pang ibang pagkain at nakalusot ng hindi namamalayan, ngunit ito ay natuklasan sa pamamagitan ng inspeksyon ng Tokyo Customs.

Patuloy ang pagiimbestiga ng mga awtoridad sa kasong ito.Noong Disyembre 2020, isang babaeng Pilipino ang naaresto sa katulad na kaso ng smuggling, at iniimbestigahan ng Kagawaran ng Pulisya na si Tatebe at iba pa na maaaring mga tagadala rin ng nasabing ipinagbabawal na droga.

Source: FNN News

To Top