30 anyos Pinoy inaresto
Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police Department ang isang 30-anyos na Filipino dahil sa pagsama sa isang elementaryang lalaki na nakilala niya sa social media.
Ayon sa Tokyo Metropolitan Police Department, ang Filipino na si Banaga Christian Aijo ay pinaghihinalaang isinama ang elementaryang lalaki na nakilala niya sa SNS noong nakaraang buwan at dinala niya sa paligid ng lungsod. Nakita ni Banaga ang video na ipinost ng bata sa SNS at nag-message, ito na, “Kung sa sinehan, pwede kitang samahan.”
https://www.youtube.com/watch?v=cfn0EKFSjmI
Umalis ng bahay ang bata sa umaga at napag alaman na maghapon itong kasama ni Banaga paikot ikot sa may Odaiba. Nagsumbong ang mga magulang nito sa Pulisya at agarang inaresto si Banaga. Bilang tugon sa imbestigasyon, itinanggi niya ang ilan sa mga paratang, na nagsasabing, “Hindi ko alam na ito ay labag sa batas.”
Source: Nittere News