Crime

30 Hostages naisalba laban sa hostage taker sa isang manila shopping mall

Isang lalaki ang nagpaputok ng baril sa isang shopping mall sa Pilipinas, nanghostage ng aabot sa 30 katao at tumangging makipagnegosasyon ng ilang sandali. Nahuli naman ang suspek 10 oras ang nakaraan, Ganap na alas-11 ng umaga noong ika-2 ng Marso, isang lalaki, edad 41-anyos ang nagpaputok sa isang shopping mall sa metro manila at nabaril nito ang isang lalaki rin na hindi pa nalalaman ang pagkakilanlan. Dahil rito napilitan ang lalaki na manghostage ng 30 katao. Matapos ang 10 oras na pakikipagkomunikasyon, sumuko ang suspek sa mga pulis at pinakawalan ang mga hostage. Isinugod naman sa hospital ang nabaril ng suspek. Napag-alamang dating nagtrabaho ang suspek bilang sekyu sa nasabing mall. Iniimbestigahan pa rin hanggang sa ngayon ang dahilan kung bait nagawa ng suspek ang naturang krimen.

Update:

Ang suspek sa panghohostage at pamamaril ay nakilalang si Archie Paray, isang dating sekyu sa nasabing mall. Aniya napilitan lamang syang gawin ang krimen dala ng mabigat na problema dahil sa kawalan ng sapat na pinansyal, trabaho, nasa ospital pa ang anak nito at ang papel na nais nyang makuha sana sa dating pinagtatrabahuan ay ayaw ibigay sa kanya. naghalo-halong stress at problema ang nagtulak umano sa kanyang magawa ang krimen. Bagama’t bago pa nya gawin iyon ay alam na nya ang kahahantungan ngunit iyon lamang daw ang naiisip nyang tanging paraan upang mabigayan ng importansya  at pansin ang maliliit na manggagawa tulad na lamang nya upang mapakinggang rin ang kanilang mga hinaing.

Source: ANN News

To Top