Food

30% ng mga Major Restaurant sa Japan, Nagsuspinde ng mga Menu sa Gitna ng Egg Shortage

Humigit-kumulang 30% ng 100 listed companies sa industriya ng restaurant sa Japan ang nagpasya na suspindihin ang mga bahagi ng kanilang menu na gumagamit ng mga itlog mula 2023, inihayag ng credit research firm na Teikoku Databank Ltd. noong Abril 6, sa gitna ng mga pagtaas ng presyo at kakulangan dahil sa bird flu outbreak.

Ayon sa survey, noong Abril 5, 28 restaurant giants ang nagpasya na suspindihin ang mga pagkaing itlog, tulad ng Chinese food, pancake at savory steamed egg custard. Ang bilang ay tumaas ng 10 mula sa nakaraang survey noong Marso. Sa mga tindahan at sa kanilang mga website at social media, ipinaliwanag ng lahat ng mga restaurant na ang pangunahing dahilan ay isang “severe egg shortage” at “soaring prices.”

Bagama’t nagmamadaling tumugon ang mga kumpanya sa mga kakulangan sa itlog sa pamamagitan ng importing processed egg products at developing alternative menus, kakaunti ang mga ito sa stock dahil sa pagbaba ng supply ng hen egg. Habang tumataas din ang mga wholesale price ng mga itlog, ang hakbang na suspindihin ang mga pagkaing itlog ay maaaring kumalat pa.

To Top