Crime

300 lapad natangay sa panloloob sa Chiba

Noong umaga ng ika-5, isang lalaki ang pumasok sa isang opisina ng kumpanya sa Mobara City, Chiba, Gamit ang kutsilyo at itinali ang pangulo ng kumpanya, natangay rito ang humigit-kumulang 3 milyong yen na pera at nakatakas. Nangyari ang insidente bandang 6:30 am, isang lalaki ang pumasok sa opisina ng isang kumpanya ng paggawa ng mga piyesa ng sasakyan sa Shimonagayoshi, Mobara City, at nilagyan ng tape ang mga kamay at itaas na bahagi ng katawan ng lalaki na siyang presidente ng kumpanya (72). Nang pananakot ng lalaki sa pangulo gamit ang kutsilyo, kinuha niya ang isang bag na naglalaman ng suweldo ng mga empleyado na humigit-kumulang 3 milyong yen at nakatakas. Hindi naman nasaktan ang pangulo sa report. Sinasabing ang lalaking tumakas ay nasa edad twenties, mga 180 cm ang taas, at nagsasalita ng kaunting Hapon na may itim na pang-itaas at ibaba. Maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa kumpanya, at ang sabi ng pangulo ay tila Pilipino raw ang suspek.
Source: Yahoo news

To Top