Culture

30,000 hina dolls idinisplay sa taas na 8-metro sa Katsuura Town

Ipagdiriwang ngayon ang “momonosekku”  ng mas maaga sa nakatakda.

Tinawag itong “momonosekku” o Peach Festival dahil sa panahong ito namumukadkad na ang mga bulaklak ng puno ng peach bandang March 3 sa lunar calendar at pinaniniwalaang may pangontrang taglay ang mga peaches laban sa masasama, kapahamakan o sakit.

Ang Hina dolls ay pinaniniwalaang malaki ang naitutulong upang mawala ang mga agam-agam ng kanilang mga anak na babae, upang lumaki silang maayus at masaya sa buhay ng malau sa kasamaan.

Ang peach festival ay orihinal na tinatawag na “sea festival”, at pinapatungkol ito sa pinakaunang araw ng dagat sa Marso ngunit kalaunan ay ay napagdesisyunang gaganapin na ito sa March 3.

Idinisplay sa publiko ang humigit kumulang 30,000 na Hina dolls sa isang jumbo platform na may taas na 8 metro.

Ito na umano ang isa sa pinakamalaking ‘ Hina Matsuri” na idinaos sa Katsuura Town, Tokushima

Para sa itinuturing na “muling pagkabuhay” ng bayan ng Katsuura, naging mainit na usapin na imbes hayaan matulog sa bahay ang mga hina dolls ay mainam na idisplay ito sa publiko upang maging parte ng muling pagkabuhay ng yearly tradisyon na ito.

 

https://youtu.be/j5QcBkDqQTQ

Source: Youtube

To Top