Mobile Phones & Driving Safety
- Ang mas mahigpit na parusa para sa mga paglabag sa paggamit ng mobile phone –
Kung ginagamit mo ang iyong smartphone habang naglalakad, nagmamaneho ng kotse o nagbibisikleta, maaari kang mabalisa at manganib sa hindi inaasahang aksidente sa trapiko
Sa partikular, ang paggamit ng isang smartphone habang nagmamaneho ng kotse o bisikleta ay kumukuha sa iyong kamalayan sa screen, na imposible na maiwasan ang mga panganib sa paligid mo, na humahantong sa mga malubhang aksidente sa trapiko tulad ng pagbangga sa mga pedestrian o iba pang mga sasakyan. Ito ay isang mapanganib na gawa.
Gayunpaman, sa mga nakaraang taon, sa paglaganap ng mga smartphone, maraming mga seryosong aksidente sa trapiko na sanhi ng “Paggamit ng smartphone habang nagmamaneho”.Sa ilalim ng mga nasabing sitwasyon, ang mga parusa para sa mga paglabag tulad ng paggamit ng mga mobile phone habang nagmamaneho ay itinaas noong isang taong Disyembre 1, upang maiwasan ang pinakamasamang aksidente sa trapiko na dulot ng “Paggamit ng smartphone habang nagmamaneho”.
Ang paggamit ng cell phone o iba pang mobile phone habang nagmamaneho ng kotse o motorsiklo, o humawak ng mobile phone habang ginagamit at nakatingin dito, ganoon din sa paggamit ng aparato sa pag-navigate ng sasakyan habang nagmamaneho. Ang puntos na igagawad sa mga nabanggit na pagkilos ay itinaas ang 3 puntos mula sa 1 puntos.
Ang halaga ng mga multa para sa mga paglabag na ito ay itinaas ang 25,000 yen mula sa 7,000 yen para sa malalaking sasakyan, itinaas ang 18,000 yen mula sa 6,000 yen para sa mga ordinaryong sasakyan, at itinaas ang 15,000 yen mula sa 6,000 yen para sa mga motorsiklo. At ang de koryenteng bisikleta naman ay itinaas ang 12,000 yen mula sa 5,000 yen.
Kung ang paggamit ng isang mobile phone ay nagdudulot ng panganib sa trapiko sa kalsada, ang base score ay itinaas ang 6 puntos mula sa 2 puntos. At bilang karagdagan, ang mga paglabag na ito ay walang bayad na multa, kundi napapailalim ang mga paglabag na ito sa mga parusang kriminal.
-Paglalahad ng nagluluksang pamilya sa Ichinomiya-
Biglang dumating ang araw na iyon. Ang isang tawag sa telepono ay dumating sa aking tanggapan, at sumugod ako sa ospital na may pahayag mula sa aking ina na nagsasabing, “Si Kei Chan nasa malubhang kalagayan kaya pumunta ka agad sa ospital.”
Hindi ako makakapasok sa intensive care unit sa ospital kaya naghintay ako kasama ang aking pamilya. Habang naghihintay, ibinigay ng pulis na pumunta sa ospital ang isang durog na lalagyan ng tubig, salamin sa mata, bag atbp na mga gamit sa paaralan. Nang makita ang mga ito ng panganay na lalaki na12 taong gulang, ay desperadong ibinabalik sa dati ang nasirang lalagyan ng tubig bagamat hindi na maaayos, na nagsasabing, “Tatay, nasira ang bote ng tubig ni Keita at hindi na maaaring gamitin.
Matapos maghintay sa silid ng hintayan, pinahintulutan akong pumasok sa silid ng pagamutan, kung saan nakita ko ang doctor na walang hupas sa pagmamasahe gamit ang isang aparato na ginagamit sa heart massage, habang dilat ang mga mata ng walang malay na si Keita. Ang mga mahalagang hakbang ay ginawa, at sinabi ng doktor, ‘Ngayon, ang tiyan ni Keita ay puno ng dugo,maayos naman ang presyon ng dugo, ooperahan lang at tapos na. At yun lang. ”
Ayaw kong sumuko kaya sinabi ko, “magbibigay ako ng kahit isang atay, tulungan nyo lang syang mabuhay.” Ngunit ang aking ama na kasama ko ay marahang hinawakan ang aking balikat at sinabing, “Ginawa na ni Keita ang kanyang makakaya ” Makalipas ang ilang sandali, namatay si Keita sa ospital kung saan doon din sya ipinanganak, na napapaligiran ng kanyang pamilya. Si Keita habang tumatawid sa isang crosswalk sa isang paaralan ay pinatay ng isang driver na nagmamaneho habang naglalaro ng smartphone. Ayaw ko ng maulit at dagdagan ang bilang ng mga pamilyang malulungkot. At para huwag ng maulit pa, kahit normal at tama na tumingin sa unahan ang lahat ng mga nagmamaneho, nararapat lamang na dapat itong gawin.
Source: Aichi Prefectural Police