General

31 na bagong kaso ng nahawahan nagmula sa mga umuwi galing Italy

2 Hapon na bumalik galing Italy mula sa Haneda Airport ay napag-alamang positibo sa new coronavirus. Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, ang teenager ay nanatili sa Italy sa loob ng 6 na buwan at bumalik sa Japan noong March 14. Sa karagdagan, isang lalaki naman na nasa 20’s na naninirahan sa Tokyo ay bumisita rin sa Italy at iba pang kalapit nitong probinsya mula march 2 hanggang march 6 bago manatili sa France at bumalik ng Japan noong March 13. Pagkabalik sa Japan sya ay sinuri sa Haneda Airport kung saan siya nagpositibo sa virus. Samantala, 3 kaso naman ng nahawahan ang nakumpirma sa Tokyo, ang isa ay isang lalaki na empleyado ng Chofu City Hall, naglakbay sa Italy mula Feb. 28 hanggang March 7, matapos makabalik nagself-quarantine umano ang lalaki at hindi lumabas ng bahay o nakipagcontact sa kahit na sinuman. Sa pangkalahatan, umabot na sa 31 na kaso ang nakumpirma kahapon kabilang rito ang 11 sa Hyogo, 5 sa Kanagawa at 4 sa Osaka.

sa kabilang banda, napag-alaman na ang 15 pasahero na nagmula sa cruise ship sa yokohama dahil sa biglaang pagsama ng pakiramdam ay positibo sa new coronavirus. 11 sa kanila ay negatibo ang resulta bago sila payagang makababa noong panahon na sila ay sinuri. Sa ngayon ay umabot na sa 712 ang kaso ng nahawahan sa cruise ship.

Source: ANN News

To Top