33-yr-old Wombat sa Osaka Pref. Zoo, Tinaguriang Pinakamatandang Wombat na Nabihag
Isang 33-taong-gulang na lalaking wombat sa Satsukiyama Zoo sa west Japan city, ito ay na-certify kamakailan bilang ang pinakamatandang bihag na miyembro ng kanyang species, at nagpadala ang Guinness World Records ng mga certificate para sa Feb. 11 ceremony sa zoo.
Ang wombat na si Wain ay higit sa 100 taong gulang sa human terms, sabi ng zoo.
Ang average lifetime ng mga wombat sa pagkabihag ay 20 hanggang 25 taon. Bagama’t si Wain, na naging 33 taong gulang noong Enero 2022, ay may katarata sa isang mata at humina ang kanyang mga binti at likod, pinahanga niya ang mga tagahanga dahil sa kanyang cutely clumsy ngunit masiglang kilos habang gumagalaw siya araw-araw. Napakafriendly niya sa mga tao kaya lumalapit siya sa mga bisita kapag nakita niya ang mga ito na may hawak na camera, tila dahil matagal na siyang nakatira sa zoo at nasanay na siyang kunan ng larawan.
Ang sikreto sa mahabang buhay ni Wain ay ang pagkain ng maayos. Sinabi ng zoo na ang kanyang mga paboritong pagkain ay berdeng damo at kamote, at kumakain din siya ng mga special order rusk and almond upang mapalakas ang kanyang calorie intake.
Binanggit ng Zookeeper na si Iori Matsumoto, 24, ang iba pang mga susi sa kahabaan ng buhay ni Wain, na nagsasabing, “Siya ay nananatili sa calm, stress-free environment na napapaligiran ng kalikasan, at ang pagiging nandyan sa tabi mismo ng kanyang good female friend na si Yuki ay maaaring nakatulong din.”
Nailigtas si Wain mula sa pouch ng kanyang ina, na nabangga ng kotse sa isla ng Tasmania ng Australia noong 1989, at inilipat sa lungsod ng Ikeda noong sumunod na taon. Sa kasalukuyan, apat sa anim na wombat sa Japan ang nasa Satsukiyama Zoo. Ang isa sa kanila, na pinangalanang Fukumaru, ay naging isang uri ng maskot para sa lungsod, na lumilitaw sa mga poster bilang bahagi ng mga lokal na pagsisikap nito sa revitalization.
“Umaasa kami na manatiling malusog si Wain at mabuhay nang mas matagal,” sabi ng vice head at zoo keeper na si Taiki Endo, 33.