Crime

3milyong yen natangay mula sa isang matandang babae, Mga suspek arestado

Naunang naaresto ang 2 suspek sa kasong panloloob sa isang bahay sa Kodaira, Tokyo matapos tangayin ang pera ng isang matandang babae na umabot sa halagang 3 milyong yen. Timbog din ang 4 na kalalakihan at kababaihang sangkot sa kasong ito. Noong buwan ng Pebrero, si Susumu Tonooka, 20 years old at iba pa ang nanloob umano sa bahay ng isang matandang babae na nasa edad 80’s at magisang naninirahan dito. Binasag umano ng mga suspek ang isang bintana upang makapasok rito, at natangay ang malaking halaga ng matanda matapos nila itong takutin.  4 na suspek pa ang nahuli sa kasong ito, kabilang sina Rikuo Arai, 22 anyos at Yasuki Kudo, 21 anyos, na siyang itinuturong utak sa panloloob. Ayon sa Metropolitan Police Department, nasa 6 na katao ang sangkot sa krimen ayon sa datos ng SNS at lahat sila ay umamin sa krimen sa imbestigasyon. Ang Metropolitan Police Department naghihinalang maliban sa 6 na naarestong suspek ay merong iba pang pinakalider na nagutos sa 6 upang maisagawa ang nasabing krimen. Patuloy pa rin ang imbestigasyon hanggang sa ngayon.

https://youtu.be/lUywkI5Z0MM

Source: ANN News

To Top