4 na Milyong Katao ang Inutusang Lumikas sa Southwestern Japan
Mahigit sa apat na milyong tao sa Kyushu ang inutusang lumikas habang ang powerful typhoon Nanmadol, ay bumagsak sa southwestern Japan.
Ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa buong Japan ay nagpadala ng impormasyon sa NHK at iba pa tungkol sa mga utos na kanilang inilabas ng 11 am Linggo.
Ang level 5 alert, ang pinakamataas sa disaster warning scale ng Japan, ay inisyu sa mahigit 110,000 katao sa humigit-kumulang 55,000 households sa Kagoshima at Miyazaki Prefecture.
Sa kabuuan, mahigit 4,030,000 katao sa humigit-kumulang 1.94 million households na apektado ng level 4 alert ang inutusang lumikas sa maraming bahagi ng Kyushu.