Crime

4 na Vietnamese national huli dahil sa illegal virtual currency exchange

4 na vietnamese national ang naaresto dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga online accounts upang gamitin para sa virtual currency transactions. Kauna-unahang kaso sa bansang Japan ang mga Inaresto.Ang mga suspek na kinilalang si Hoang, Chun, at Tan (27 years old) ay pinagdududahan na gumamit ng parehong account para sa pagre-remit ng mga pera noong nakaraang taon pa.

Ayon pa sa Metropolitan Police Department, pagkatapos nun ay may 3 Million yen pang illegal remittance ang naturang grupo na tinransfer sa account na iyon gamit ang isang electronic payment service na kung ang halagang nabanggit ay ginamit naman para makapurchase ng Bitcoin,habang ang iba naman ay sinend sa isang Chinese virtual currency exchanger. Mariing itinanggi ng 3 suspek ang krimen habang umamin naman ang isa sa naturang alegasyon.

Ang pagaresto sa 4 na suspek ay ang pinakaunang kaso sa bansang japan na kung saan ay involve ang virtual currency transaction, ,maituturing na money laundering ang aktibidades ng mga suspek dahil sa ilegal na paglalabas at pagtanggap ng pera mula sa kung saan upang makakuha o makabili gamit ang napakalaking halaga gamit ang internet.

https://www.youtube.com/watch?v=YjJxaPCOEtY

Source: ANN News

4 na Vietnamese national huli dahil sa illegal virtual currency exchange
To Top